Sunday, November 27, 2011

Debate and Discussion on GNP


"A debate is a contest, or, perhaps, like a game, where two or more speakers present their arguments intent on persuading one another. Men have been debating with one another since the beginning of time when the serpent first debated with Eve the benefits of eating certain fruits in the Garden," says Triviumpursuit.com.

Bakit kailangan natin mag-debate dito? Hindi ba nagkakaisa naman tayo sa adhikaing nakalagay sa group description?

Sabi naman ni Freedictionary.com, "Discussion is consideration of a subject by a group; an earnest conversation. A formal discourse on a topic; an exposition."

Hindi ba natin kayang gawin ito sa ngalan ng pagkakaisa? Hangad nating itaas ang antas ng kaalaman at pag-iiisip ng ating mga kababayan upang tayo bilang mamamayan at bilang isang bansa ay umunlad. Maraming matatalino sa grupo na sadyang malaki ang magagawa para ito ay ating makamit.

Bakit kailangan may manalo o matalo sa bawat paksang pinag-uusapan? Ipakita natin ang kagandahan ng ating kapaniwalan. Nasa taong nagbabasa ang desisyon. Why do we have to ram our beliefs to others?

Napakasayang makipag-palitan ng kuru-kuro. Kaniya-kaniyang paniniwala at pagpapaliwanag sa kagandahan nang ating pinaniniwalaan. Bakit natin sinisira sa pamamagitan ng paggamit nang hindi magagandang mga salita at tono? Sa katalinuhan ng mga nandito, nakakalimutan nga ba ang pagiging magalang sa pakikipagkapwa-tao?

Is superior intelligence an excuse to be disrespectful? Especially to those who does not share our point of view? Isn't it that the more we learn, the more we become humble? Because with more knowledge, we are made more aware of our smallness compared to the greatness and vastness of the world we are temporarily inhabiting.

No comments:

Post a Comment