Wednesday, November 30, 2011

Acu, Ica, Icata

Acu, Ica, Icata

Atlung Butilyang Capampangan


Acu

maralas balisa

cabaragbag a problema

ing capaldan anting ala.

Ica

aquilalang bigla

antimong anghel a digpa

qng pangadi - mequibat Ya.

Ngeni

icatang adua

meca-labing siyam nang banua

angang-anga, icata na.



***********************




My first try with Butilya. Edited by Ka Elysian Tulang Liham and Ka Oliver Carlos.


A month ago, I read Ka Oliver Carlos' post about this uniquely Kapampangan poetry form started by Ka Ernie Turla. As explained on the post, it has three stanzas consisting of four lines with the number of syllables patterned as 2-6-8-8. Somehow identical to or a variation of the Tanaga, a Japanese traditional poetry form. In Ka Oliver's words,


....pitungi-tungi lang miyuyugne estropa a magsilbing butil (like beads/grains) ning kaisipan a lalong magtumingkad uli’ng sasalamin la king Kulturang Kapampangan at bibye lang mayap a payul at guyabnan king mayap a panugali a balamu wari kwintas lang misasabit king batal da ring makabasa...


The stanzas are related and serves as beads or grains of thought which mirrors the Kapampangan Culture. Also, it gives advice and guide for good manners.


My deepest thanks to you both. I'll try to make another one. :) Ali cayu pu sana sasaua quing pamangutang ampo pamagpasaup cu pu quecayu. Am truly blessed for having your friendship.

Sunday, November 27, 2011

Debate and Discussion on GNP


"A debate is a contest, or, perhaps, like a game, where two or more speakers present their arguments intent on persuading one another. Men have been debating with one another since the beginning of time when the serpent first debated with Eve the benefits of eating certain fruits in the Garden," says Triviumpursuit.com.

Bakit kailangan natin mag-debate dito? Hindi ba nagkakaisa naman tayo sa adhikaing nakalagay sa group description?

Sabi naman ni Freedictionary.com, "Discussion is consideration of a subject by a group; an earnest conversation. A formal discourse on a topic; an exposition."

Hindi ba natin kayang gawin ito sa ngalan ng pagkakaisa? Hangad nating itaas ang antas ng kaalaman at pag-iiisip ng ating mga kababayan upang tayo bilang mamamayan at bilang isang bansa ay umunlad. Maraming matatalino sa grupo na sadyang malaki ang magagawa para ito ay ating makamit.

Bakit kailangan may manalo o matalo sa bawat paksang pinag-uusapan? Ipakita natin ang kagandahan ng ating kapaniwalan. Nasa taong nagbabasa ang desisyon. Why do we have to ram our beliefs to others?

Napakasayang makipag-palitan ng kuru-kuro. Kaniya-kaniyang paniniwala at pagpapaliwanag sa kagandahan nang ating pinaniniwalaan. Bakit natin sinisira sa pamamagitan ng paggamit nang hindi magagandang mga salita at tono? Sa katalinuhan ng mga nandito, nakakalimutan nga ba ang pagiging magalang sa pakikipagkapwa-tao?

Is superior intelligence an excuse to be disrespectful? Especially to those who does not share our point of view? Isn't it that the more we learn, the more we become humble? Because with more knowledge, we are made more aware of our smallness compared to the greatness and vastness of the world we are temporarily inhabiting.

Wednesday, November 9, 2011

Disiplina 3 on GNP


Disiplina......
isang salitang napakasimple ngunit bakit sadyang napakahirap isapuso....(part three)

Kapag bago tayong dating sa isang lugar, 'di ba tayo ay nagmamasid muna bago tayo kumilos? Katulad na rin nang pagsali sa anumang organisasyon, 'di ba tinitingnan muna natin ang interes at layunin bago tayo sumali? Paano ung katulad dito sa FB na bigla lang tayong isinali sa isang grupo? Ganoon din naman dapat ang ating gawin 'di ba? Magbasa, magmasid. Kapag hindi akma sa ating interes, layunin at paninindigan sa buhay, umaalis tayo, hindi ba? Kung tayo naman ay manantili, magandang sumali tayo sa mga diskusyon at pagpapalitan ng kuru-kuro. Ibahagi din natin ang ating kaalaman.

Simple lang naman e. Bakit hindi tayo mag-post ng mga bagay naka-akma sa layunin ng grupo? Kung mga advertisements naman, puwede naman natin i-present ang mga ito sa paraan na naka-akma sa ikabubuti at nating mga Pinoy. Bakit natin uulit-ulitin ang mga ads? Napakaraming magagandang posts dito na sadyang nakapag-papaisip sa ating lahat pero natatabunan ng mga sari-saring ads.

Disiplina sa sarili...........maliit na bagay pero napakahalaga........

Wednesday, November 2, 2011

Information 1 on GNP




Information is empowering.

Bakit kailangan nating gawin misteryoso ang sex sa ating mga kabataan?
Forwarned is forearmed, ika nga. Tayong mga magulang, bakit hindi natin turuan ang ating mga anak ng maayos tungkul sa isyung ito? Basta lang ba tayo titigil sa mga salitang "Sex is only after marriage" o kaya "Bata ka pa"?

Sa panahon ngayon na lahat ng klase ng impormasyon ay nasa tri-media, bakit ipinagkakait natin sa ating mga anak ang tamang kaalaman at impormasyon?

Hindi ba mas maganda kung sa sarili nating mga labi mamutawi ang tamang impormasyun ukol sa maselang bagay na ito? Marami nang nadiskaril ang buhay dahil sa maagang pagbubuntis. Napakarami na rin ang ating populasyun sa mundo. Napakarami nating batang lansangan. Napakarami na rin nagugutom.


Disiplina 2 on GNP


Disiplina......
isang salitang napakasimple ngunit bakit sadyang napakahirap isapuso....(part two)

Pagtitipid ng tubig.
Sabi sa mga pag-aaral, malapit na raw tayo maubusan ng fresh water. Oo marami ngang tubig, pero salt-water yun. Simple lang e. Huwag pabayaan ang mga sira at tumutulong gripo. Gumamit ng baso kapag nagsesepilyo. Hihintayin pa ba natin na maubos o umabot sa critical level bago tayo magtipid? 

Maliit na bagay pero napakahalaga...

Disiplina 1 on GNP


Disiplina......
isang salitang napakasimple ngunit bakit sadyang napakahirap isapuso....

Pagtatapon ng basura.
Bakit patuloy tayong nagtatapon ng balat ng candy at kung anu-ano pang malilit na basura sa kalye? May bulsa naman tayo. May bag naman tayo. Pati nga yung mga nakasasakyan e, mas pipiliin pang buksan ang bintana para lang magtapon.

Maliit na bagay pero napakahalaga...